Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Linggo

(Filoil Flying V Center)

2:00 n.h. -- Tacloban vs PayMaya

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

4:00 n.h. -- Creamline vs Petro Gazz

MAAGANG mapapasabak ang crowd favorite Creamline at ang koponan ng PayMaya, (dating PLDT) sa pagsisimula ng ikalawang season ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Mayo 6 sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Napahaba ang paghihintay sa opening dahil sa pagbibigay-daan sa UAAP women’s volleyball finals, umaasa ang walong kalahok na koponan na makukuha nila ang tamang porma para sa pakikipagsapalaran na makopo ang titulo ng season-opening conference ng liga na siyang nagpasimula ng muling pagbuhay sa volleyball sa bansa.

Isa sa nananabik na sumalang sa aksiyon si Alyssa Valdez sa kanyang pamumuno sa koponan ng Creamline Cool Smashers sa pagsagupa nila kontra sa tropa ni coach Jerry Yee-na Petro Gazz Angels sa unang laro ganap na 4:00 ng hapon matapos ang salpukan ng Tacloban at PayMaya na pangungunahan ni Gretchel Soltones ganap na 2:00 ng hapon.

Base sa format, sasabak ang walong koponan sa single round robin eliminations kung saan ang top two teams ay magkakamit ng awtomatikong semifinal berths.

Ang mga lower ranked teams ay lalaro sa isa na namang single round para paglabanan ang last two seats sa Final Four.

Ang iba pang mga koponan ay ang Navy-Iriga, BaliPure-NU, BanKo- Perlas at defending champion Pocari Sweat-Air Force.

Nakatakda ring magdaos ng mga laro sa labas ng Metro Manila kabilang na rito ang back-to-back games na gaganapin sa Mayo 12 at 13 sa Tuguegarao City sa Cagayan at Mayo 23 sa Baliwag,Bulacan.

Nariyan din ang pagdaraos ng men’s division kung saan may anim na koponang kalahok na pinangungunahan ng Open at Reinforced champion Cignal, Instituto Estetico Manila, Air Force, Army, PLDT at ang baguhang Vice Co, na pangungunahan ng komedyanteng si Vice Ganda.