KASABAY ng pagdiriwang ng 2018 World Day for safety and Health at Work, muling inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang panawagan na “plant the seeds of awareness on the value of occupational safety and health (OSH),” lalo na sa mga kabataang manggagawa.

Inihayag ni Labor Assistant Secretary Amuerfina Reyes ang panawagan sa OSH caravan, na ginanap sa Laguna Technopark Association, Inc., sa Biñan, Laguna.

“We all hope that the seed will grow to the point that health and safety will become a habit, a way of life…to make our people today and the generations to come truly safe and healthy,” ani Reyes habang binabanggit ang tema ng pagdiriwang na Generation Safe and Healthy.

Ipinagdiinan niya na kailangan makintal sa isip ng mga manggagawa, lalo sa mga mga kabataan, ang pangangailangan ng ‘occupational safety and health practices’ dahil maaari silang masaktan o madisgrasiya sa trabaho.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa ulat ng International Labor Organization (ILO), tinatayang 541 milyong kabataang manggagawa, na nasa edad na 15-24, ang sumasakop sa 15 porsiyento ng world’s labor force. Habang umaabot sa 40% ang dumaranas ng hindi malalang pinsala, mas marami kung ikukumpara sa mga nasa hustong gulang na manggagawa.

Maaaring ipinapakita nito ang kawalan ng sapat na basic training, kaunting karanasan sa trabaho at kakulangan sa paghahanda sa trabaho.

Patuloy na pinalalakas ng Kagawaran ang pagsisikap nito sa pagpapatupad ng general labor standards at occupational safety and health standard sa mga trabaho.

Ayon sa ahensiya, sa pakikipagtulungan nito sa mga organisasyon ng mga manggagawa, mga industriya, ILO at iba pang sektor, patuloy silang naghahanap ng iba’t ibang paraan upang maiparating ang kahalagahan ng occupational safety at health related practices sa mga kabataan.

Dahil sa kakaibang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga kabataang manggagawa, gumamit ang OSH caravan ng mga interactive at malikhang aktibidad tulad ng e-learning sa pamamagitan ng mga online games, Personal Protective Equipment exhibit, isang interactive wall ng safety warnings at signage, photo exhibit, prototype exhibit, mini-theater, art exhibit, at freedom wall.

Ang aktibidad ay bahagi ng programa ng ILO na Safeyouth@Work Project, na isang pandaigdigang inisiyatibo na layuning maging ligtas at maayos ang mga lugar na pinagtatrabahuhan ng mga kabataang manggagawa.