Ni Marivic Awitan

ISA na lang para sa makasaysayang ‘three-peat’ para sa La Salle sa women’s volleyball sa Season 80 ng UAAP.

 NAGDIWANG ang La Salle Spikers matapos selyuhan ang dominasyon sa FEU sa UAAP women’s volleyball finals. (RIO DELUVIO)


NAGDIWANG ang La Salle Spikers matapos selyuhan ang dominasyon sa FEU sa UAAP women’s volleyball finals.
(RIO DELUVIO)

Matikas na nakihamok ang Lady Spikers para sa impresibong 29-27, 25-21, 25-22, panalo kontra Far Eastern University sa Game 1 ng kanilang best-of-three Finals sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament nitong Sabado sa Araneta Coliseum.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Nanguna si Kim Dy sa naiskor na 10 puntos, habang kumubra si May Luna ng siyam na puntos mula sa bench. Nag-ambag sina Majoy Baron at Tin Tiamzon ng tig-walong puntos.

Puntirya ng La Salle na tapusin ang serye sa Miyerkules.

“Well pipilitin namin na makuha ‘yung Game One, kasi mahirap na pag umabot pa ng Game Three,” sambit ni La Salle coach Ramil de Jesus, target ang ika-11 career tile sa UAAP.

“Kung hindi namin nakuha ‘yung first set, hindi magkakaganon,” pahayag ni de Jesus. “Sa kanila (FEU), basta gumalaw sila ng tama, dire-diretso eh.”

Nakapagtala na ang La Salle ng ikatlong three-peat noong 2003-05.

Nanguna sa FEU ang graduating spiker na si Bernadeth Pons na may siyam na puntos, 17 digs at 12 excellent receptions. Ngunit, nagtamos sila ng 34 errors.

Sa men’s division, naungusan ng National University ang Ateneo, 25-20, 25-19, 25-23, a Game 1 ng kanilang championship match.

Ratsada sina Bryan Bagunas, James Natividad at Madzlan Gampong sa NU, isang panalo na lamang para sa inaasam na titulo.

Humugot si Bagunas ng 19 puntos at 6 excellent receptions, habang si Natividad ay may 17 markers at may 11 puntos si Gampong.

“Sobrang saya kasi ‘yung mga paghihirap namin may pagbubunga,” pahayag ni Bagunas. “’Yung mga sacrifices namin at hindi namin pag-uwi, ‘yung hindi namin makasama ‘yung family namin, may pagbubunga kaya sobrang saya.”

Nakatakda ang Game Two sa Miyerkules.