1 copy

TULOY ang pagsulong ng College of Saint John Paul – ang back-to-back champion sa Rizal Technological Vocational Schools Association (RTVSA).

Sa pangunguna ni dating University of Manila standout Amante “Kiko” Flores, ang CSJP Mighty Lions ay lalahok sa 2018 MBL Open basketball championship sa Central Colleges of the Philippines gym sa Sta.Mesa, Manila.

Si Jayniel Ilac, nahirang na Most Valuable Player sa nakalipas na RTVSA tournament, ay magpapakitang gilas para sa Mighty Lions, na sasabak sa MBL sa unang pagkakataon.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Magandang pagkakataon ito para sa amin (CSJP). Masusubok ng husto ang mga players laban sa mga mas experienced players ng ibang teams sa MBL,” pahayag ni Flores, star guard ng back-to-back NAASCU champion UM Hawks.

Pinapurihan ni Flores sina CSJP president Cherry Lyn Mendoza, vice president Dr. Marmelo Abante at school directress Ma. Lydia Cagang sa kanilang patuloy na suporta sa team.

“Malaking tulong sila sa pagpapalakas pa sa programa sa sports sa aming paaralan,” aniya.

Bukod kay Ilac, ang iba pang mga miyembro ng Cainta-based team ay sina Ryan Cuenca, Adrian Olea, Ranie Raymundo, Bien Dolar, Jaemielle Ilac, Job Geca, Mark Lester Nacion, Martin Gozum, Benjie Jimenez, Edward Andrade, Miguel Balena, Marco Balena, Jeric Resano at Benedict Villar.

Kasama din niya sina Jhong Cubo, Rendell dela Rea, Carl Valdevilla at Athan Rojas.

Ang iba pang mga inaanyayahang teams ay ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel (Jimi Lim/Boni Garcia ); FEU-NRMF (Nino Reyes): Philippine Christian University (Dr. Junifen Gauuan/Dra. Martha Ijiran/Elvis Tolentino); Diliman College (Sen.Nikki Coseteng/Rensy Bajar); Trace College (Nomar Isla); Caloocan Supremos (John Kallos/Mayor Oca Malapitan); at Philippine Coast Guard (Adm.Elson Hermogino/Mark Acolicol).