Ni Annie Abad
PORMAL nang sinelyuhan ng Philipine Sports Commission (PSC) at City Government ng Cebu ang pagsasanib puwersa para sa hosting ng 2018 Philippine National Games sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA).
Nilagdaan nina PSC commissioner Ramon Fernandez at Cebu City Mayor Tomas Ormena ang nasabing kasunduan para sa nasabing proyekto ng ahensya na nakatakda sa Mayo 19-25.
“Everything is set. We consider the PNG as the country’s Olympics, that is why we are excited that we get to do it here in Cebu,” pahayag ni Fernandez.
Ayon naman sa kay Mayor Osmeña, ito ang kauna unahang pagkakataon na muling magho-host ang siyudad ng ganito kalaking sporting event, makalipas ang dalawampu’t isang taon.
“It has been 21 years since Cebu hosted the PNG in 1997, so this is a big moment not just for Cebu City but also for Cebu Province,” sambit ni Osmena.
Tampok ang 21 sports na lalaruin kabilang ang medal-rich athletics at swimming, boxing, chess, at dancesport.
Kabuuang 12 venues sa palibot ng Naga City, Tabuelan, Danao City, Mandaue City at Lapu-Lapu City ang nakatakdang laruan ng mga atleta.