Ni Francis T. Wakefield

“We must work peace by piece.”

Ito ang paglalarawan ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza sa peacebuilding strategy ng gobyerno, na naging susi sa epektibong pagharap sa iba’t ibang rebeldeng grupo sa buong bansa.

“We can’t do this overnight. We need to learn from the mistakes of the past. We must learn to do things better,” ani Dureza sa mensahe sa Annual Plenary Session of the Canadian Chamber of Commerce of the Philippines na ginanap sa Davao City nitong Lunes.

National

Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!

Sinabi niya na ang inclusivity o pagsali sa lahat ang guiding principle ng administrasyong Duterte sa paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa armed conflict na ilangdekada nang suliranin ng bansa.

Sinabi ni Dureza na ito rin ang kaisipang nagbigay-daan sa pag-usad ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso.

“It is President Duterte’s commitment to pass the BBL,” paliwanag ng top peace negotiator ng gobyerno.

Idinagdag ni Dureza na upang maisakatuparan ang pangakong ito, batid ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang pakinggan ang mga boses ng ibang stakeholders.

Ang inclusivity na ito ang dahilan ng pagpapalawak sa original membership ng Bangsamoro Transition Commission’s (BTC) mula 15 sa 21, tatlo sa kanila ay mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sinabi ni Dureza na kahit na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang magkakaroon ng “first stake” sa pagtatag ng panukalang Bangsamoro state and government, ang MNLF ay magiging integral part ng “bigger leadership.”