Ni Myca Cielo Fernandez

Kasabay ng pagtatapos ng National Literature Month ngayong taon, idaraos din ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ang 44th National Writers’ Congress at 31st Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas sa Roxas City, Capiz.

May temang “Kadulom kag Kasanag: Panitikan ng Pag-asa” (Darkness and Light: The Literature of Hope), tampok sa writers’ congress ang dalawang writers’ forum na may titulong “Ang Karimlan sa Panitikan” at “Ang Liwanag sa Panitikan.”

Inaabangan din sa pagdiriwang ang pagbibigay ng Gawad Balagtas kina Abdon Balde, Jr. (Fiction in Filipino), Ariel Dim. Borlongan (Poetry in Filipino), Alain Russ Dimzon (Poetry in Hiligaynon), Reynaldo Ileto (Criticism in English), Malou Jacob (Drama in Filipino), Connie Jan Maraan (Fiction in English), Cles B. Rambaud (Fiction in Ilokano), at Myrna Peña-Reyes (Poetry in English).

National

Hindi pagdalo ni VP Sara sa budget hearing, insulto sa mga Pinoy -- Brosas

Bibigyan naman ng Gawad Paz Marquez Benitez si Susan Evangelista, dating guro sa Ateneo de Manila University, at pangulo ng Ugat ng Kalusugan sa Puerto Princesa, Palawan. Habang ang Gawad Pedro Bucaneg ay tatanggapin ng Women in Literary Arts (WILA) ng Cebu.