Ni Gilbert Espeña

KUMPIRMADO nang kakasa si undefeated Filipino Jhack Tepora laban kay Mexican Edivaldo Ortega para sa bakanteng IBO featherweight belt sa undercard ng laban ni eight-division world titlist Manny Pacquiao kay WBA welterweight champion Lucas Mathsse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May isang talo lamang si Ortega laban sa kababayang si world rated Eduardo Ramirez at huling tinalo niya sa puntos si dating interim WBA super flyweight champion Drian Francisco na isa ring Pilipino noong nakaraang Enero 27 sa Tijuana, Mexico.

Tinalo rin ni Ortega sina Filipino Rey Perez at dating world champions na mga kababayan niyang sina Juan Carlos Sanchez Jr. at Tomas Rojas kaya tiyak na mapapasabak si Tepora sa Mexican.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Huling kumasa si Tepora noong Nobyembre 22, 2017 nang patulugin niya sa 1st round ang iniidolo ng South Africa na si world rated Lusanda Komanisi sa sagupaan sa East London kaya bigla siyang inilista ng WBO bilang No. 6 contender sa kampeong si Oscar Valdez ng Mexico at rated No. 14 kay IBF 126 pounds titlist Lee Salby ng United Kingdom.

May perpektong rekord si Tepora na 21 panalo, 16 sa pamamagitan ng knockouts kumpara kay Ortega na may kartadang 26-1-1 na may 12 pagwawagi sa knockouts.