PACMAN-MATTYSSE: Magpapakilala sa media conference.
PACMAN-MATTYSSE: Magpapakilala sa media conference.

NAKATAKDANG dumating sa bansa si World Boxing Association (WBA) welterweight champion Lucas Martin Matthysse upang simulan ang promosyon sa nakatakdang laban kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Inaasahang lalapag sa Manila International Airport ang delegasyon ng kampeon sa Miyerkules (Abril 18) para maibida ang inaasam na duwelo sa isa sa pinakamatagumay na Pinoy fighter.

Nakatakda ang laban niya kay Pacquiao sa Hulyo 14 sa tinaguriang ‘Fight of Champions,’ sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It is all systems go for the card,” pahayag ni Pacquiao, patungkol sa dalawang araw na city press conference at media sa Manila at sa Kuala Lumpur sa April 20.

Iginiit ni Pacquiao na nasasabik siya sa kanyang unang promotion na tinitiyak niyang pinakamalaking fight card na magaganap sa Malaysia mula nang magsagupa sina Muhammad Ali at Joe Bugner noong Hulyo ng 1975.

“We have assembled the biggest fight card Malaysia has been waiting for in the last 43 years since Ali-Bugner,” sambit ni Pacquiao.

Nagsisimula nang magsanay kay trainer Joel Diaz ang 36-anyos na si Matthysse, pamosong fighter mula sa Argentina, na may marking na 36 knockouts sa kabuuang 39 laban. Tangan lamang niya ang apat na talo.

Si Diaz ang nagsanay din kay American Timothy Bradley, ginapi ni Pacquiao ng dalawang ulit.

“This is the fight I have always wanted. The opportunity to fight a future Hall of Famer such as Manny Pacquiao inspires me to work harder than ever to earn a victory for my fans. I know that it will not be easy. But I will defend my title with honor and represent my country Argentina with pride,” pahayag ni Matthysse.

Kasama ring darating sa bansa si Golden Boy Promotions president Oscar Dela Hoya, ang promoter ni Matthysse.

“This early, we would like to thank the people who have made this event happen and I thank all boxing fans for their support,” sambit ni Pacquiao.

Nasa kampo naman ni Pacquiao sina trainers Restituto “Buboy” Fernandez at Raides “Nonoy” Neri.