Ni Bert De Guzman

Sinisikap ng House Committee on Overseas Workers, sa pamumuno ni Rep. Jesulito Manalo (Party-list, ANGKLA), na maipasa ang panukalang batas na magkakaloob ng “retirement benefits and welfare assistance” sa overseas Filipino workers.

Pinag-iisa ngayon ng komite ang tatlong panukala -- ang House Bill 3746 na inakda ni Rep. Rodante Marcoleta (Party-list, SAGIP), na naglalayong lumikha ng Overseas Filipino Workers Social Security and Retirement System; HB 547 ni Rep. Gary Alejano (Party-list, MAGDALO), na nagsusulong ng Overseas Filipino Workers Pension Fund; at HB 7228 by Rep. Winston Castelo (2nd District, Quezon City), na magkakaloob ng special pension fund sa OFWs.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'