Ni Nonoy E Lacson

Tiniyak ng Moro National liberation Front (MNLF) sa militar sa pambansang pamahalaan ang buo nilang suporta sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan ng Sulu.

Sinabi ni MNLF Chair Yusop Jikiri na patuloy silang magiging katuwang ng militar at administrasyong Duterte sa “peace and development.”

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Ayon kay Jikiri, nakita niya ang senseridad ni Pangulong Duterte na maihatid ang kapayapaan at kaunlaran sa magugulong lugar sa bansa partikular na sa mga lugar ng Muslim sa Mindanao.

“Siya lang ang presidente na gustong makita peaceful and with development ang Muslim dominated areas in Mindanao particularly this province of Sulu and I am sure his desire comes from the bottom of his heart,” ani Jikiri.