Ni REGGEE BONOAN

SA sandaling panayam kay Gerald Anderson nitong Linggo ng hapon, naitanong agad ang isyu sa panandaliang hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Si Gerald ang huling rumampa sa Sketchers Move in Style 2018 na inspired ni Camila Cabello sa Activity Center ng Trinoma Mall kasama sina Maris Racal, Karen Reyes, Kira Balingger, Jason Dy, Dianne Medina at Rodjun Cruz na hiniyawan ang kanya-kanyang supporters.

Inamin na ng binata sa ABS-CBN news na nagkaroon nga sila ng misunderstanding ni Bea kaya nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram.

Tsika at Intriga

Rape sa isang batang aktres, vlogger mamamatay sa kanser hula ni Rudy Baldwin

“It was a misunderstanding,” sabi ni Gerald. “’Yun na ‘yun. Ang importante, everything is good. Everything is good.”

Hindi na masyadong nag-elaborate ang aktor dahil naipaliwanag na raw niya ang isyu, pero gusto niyang sagutin ang bashers na nanghusga kay Bea.

“Ang gusto ko lang pong sabihin sana sa bashers ‘wow, talaga, siguraduhin ninyong perfect kayo bago kayo magsabi ng masama tungkol sa ibang tao, celebrity man o normal na tao. Wala tayong karapatan at wala kayo sa sitwasyon, ‘yun lang,” pahayag ni Gerald.

May nagbanggit na box office hit ang My Perfect You movie nina Gerald at Pia Wurtzbach pero ang kapalit naman ay nagkaroon sila ng gusot ng girlfriend niyang si Bea na kaibigan din ni Miss Universe 2015.

“Sinagot ko na po ‘yan, ayoko nang humaba pa, let’s just share positivity, huwag nang nega na tao. Ang importante po ay okay ang lahat at okay kami,” saad ni Gerald.

Inalam namin kung nagkita sila ni Bea sa ibang bansa dahil may lumabas na video na kinukunan ang isang kotse at narinig ang boses ng aktres na gusto niya ito.

“Secret,” napangiting sagot ng aktor at idinugtong na, “nakakarinig ka ng boses, ha?”

Hindi inamin ng aktor kung nagkita sila, pero napakaganda ng naging ngiti niya.

Samantala, aliw na aliw ang netizens sa ipinost ni Gerald na may caption na, “Hindi ako nakapagpadala ng pera sa mama ko today, ito text niya sa akin #alwaysgivewhatyourmamaneeds #burn #myperfectyou #mothercare #family.”

Ang text messages ni Gng. Vangie Opsima sa anak nang sabihin niyang magpapadala siya kinabukasan, “Tomorrow is Saturday, no bank. Hoy Burn, your movie making money na.”

Kuwento pa ng masunurin at responsableng anak, “Nagkuwento nga ako sa TWBA na nu’ng first day ng movie, kumita kami ng P10M, nag-text siya sa akin na humihingi siya ng P1M kasi kumita naman daw ng 10M ang movie, ha-ha-ha.

“Sabi ko, ‘Ma, hindi ko pera ‘yan, ‘tapos ‘yung isang araw, humihingi rin siya ng pera kasi may gagawin siya, sobrang biglaan, eh, hindi ako makapagpadala kasi nasa ABS ako, so ‘yun. Naku po, mas marami pa kaming ganyang conversation.”

Nagpapasalamat si Gerald sa lahat ng nanood ng My Perfect You nila ni Pia.

“Sobrang masaya kami dahil ginawa namin ‘yung best at more than ‘yung kinita, maganda po ‘yung impact niya, mensahe niya sa mga tao tungkol sa pamilya, sa may mga pinagdadaanan tulad ng karakter ko. Sobrang thankful ako dahil hanggang sa abroad maraming nanonood, maraming nakaka-relate. Masaya talaga kami kasi nakatama kami sa puso ng mga tao.”

Pagkatapos ng pelikula nila ni Pia ay teleserye naman ang gagawin ng aktor at tungkol daw ito sa buhay ng mga sundalo na lumaban sa Marawi City.

“Tungkol sa bansa natin na pinagdadaanan ng mga sundalo natin. Inisip natin na sundalo sila at kaya nilang lahat pero hindi natin alam na puso at may human side sila, may pamilya rin sila, ‘yun ang gusto naming ipakita,” kuwento ni Gerald.

Si Richard Somes ang direktor ng bagong teleserye ni Gerald pero hindi pa niya binanggit kung sinu-sino ang makakasama niya at kaninong business/production unit ito.