Ni Fer Taboy
Naaresto ng militar ang aabot sa 10 miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces-Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa labanan ng mga angkan sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao, ayon sa naantalang ulat kahapon ng Philippine Army (PA).
Sa report ng 14th Mechanized Company ng 1st Mechanized Infantry Battalion (IB) ng PA, ang siyam sa mga inaresto ay sina Esmael Sampiano, Talipasan Lachali, Duma Lachali, Abubakar Kamactil, Abpa Kuradsang, Mohamad Viajar, Tinod Dimaguil, Commander Taib Kalanganan, at Kaha Gulidtem, 58, pawang ng Barangay Galidang, Tulunan, North Cotabato.
Una nang sumiklab ang rido sa Bgy. Ramcor, General Salipada K. Pendatun, at papatakas na sana ang mga suspek sa lugar ng sagupaan nang maharang sila militar sa checkpoint.
Nakumpiska umano sa kanila ang matataas na kalibre ng baril, kabilang ang dalawang rifle 5.56mm-M16A1 (Elisco), isang homemade caliber 50 Barret, isang rifle 7.62mm-M14 (US), anim na 5.56mm short magazines, isang 5.56mm long magazine, isang M14 magazine, 84 na rolyo ng 7.62mm ball ammunition, 18 bala ng caliber .50, 139 na bala ng 5.56mm, at isang .45 caliber pistol na may smagazine.