Ni Bert de Guzman
MARAMI ang nagsasabi, lalo na ang mga kritiko at kalaban sa pulitika, na pabagu-bago at paiba-iba ang isip at desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) tungkol sa isyu ng usapang-pangkapayapaan sa komunistang grupo sa Pilipinas.
Ngayon, nais na naman niyang makipag-usap na muli ang gobyerno sa CPP-NPA-NDF. Iniutos niya sa mga opisyal ng pamahalaan, partikular kay Peace Adviser Jesus Dureza, na kumilos at gumawa ng mga hakbang upang bigyan ng “last chance” ang kapayapaan.
‘Di ba kamakailan lang ay nanggagalaiti sa galit si Mano Digong dahil sa patuloy na pagtambang at pagpatay ng NPA sa mga kawal, pulis, sibilyan kaya tinapos niya ang usapan at nag-isyu pa siya ng isang proklamasyon na nagtuturing sa NPA bilang teroristang grupo?
Maging ang kanyang dating propesor, si Jose Ma. Sison (Joma), founding chairman ng Communist Party of the Philippines, ay tinawag niyang terorista. Ginantihan siya ni Joma sa pagsasabing ang Pangulo ang Numero Unong terorista sa bansa.
Sa pagpapalitan nila ng mga akusasyon, ibinunyag ni Mano Digong na may malubhang sakit si Joma. Wala na itong kontrol sa kilusang komunista sa bansa, at lubhang napakasakit na mamatay sa ibang bansa. Gumanti si Sison sa pagsasabing si PRRD ang may sakit, kailangang magpatingin sa pyschiatrist bunsod ng paggamit ng fentanyl.
Umaasa ang sambayanang Pilipino na sa muling pag-uusap ng pamahaan at ng CPP-NPA-NDF, matamo sana ang kapayapaan na isa sa mga pangako ng Pangulo noong siya ay kumakampanya pa. Sana ay matupad din ang pagsisikap ng Duterte administration na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na ang layunin ay mahuli ang ibon ng kapayapaan sa Mindanao.
Tatalima ang Malacañang sa desisyon ng Supreme Court na nag-aatas sa PNP na isumite ang mga datos tungkol sa pagkamatay ng 4,000 drug pushers at users kaugnay ng drug war ng administratsyon. Ibinasura ng SC ang apela ng Office of Solicitor General na huwag magbigay ng datos ang PNP sapagkat ang mga dokumento sa drug war ay naglalaman ng mga sensitibong impormasyon