MULING aagaw nang pansin ang mga atleta mula sa private colleges and universities sa buong bansa sa pagratsada ng 2018 National PRISAA Sports Competition sa April 22-28 sa Tagbiliran Sports Complex sa Bohol.

Mahigit 5,000 atleta galing sa mahigit 500 private colleges and universities sa bansa ang maglalaban sa 18 sports kasama ang medal rich athletics at swimming at weightlifting kung saan nagreyna si Rio Olympics silver medalists at Asian Weightlifting champion Hidilyn Diaz kasama ang kaibigan at Asian Games veteran at ASEAN Weightlifting gold medalist Nestor Colonia.

Sinabi ni PRISAA National Executive Director Prof. Elbert “Bong” Atilano na handang-handa na ang Bohol i-host sa unang pagkakataon ang naturang torneo na tinatag noong 1953 para bigyan pagkakataon ang mga atleta sa private colleges and universities ipakita ang kanilang natatanging husay at galing sa kanilang paboritong sports.

“Everything is in place. We ironed out major kinks to ensure the smooth sailing of the tournament,” wika ni Atilano sa panayam sa kanya sa katatapos na Batang Pinoy Mindanao leg kung saan pinamunuan niya ang Zamboanga delegation.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The best and the brightest athletes are seeing action. I expect many young potential athletes will shine and preserve the good name of PRISAA as traditional breeding ground of national athletes past and present,” sambit ni Atilano.

Sa unang pagkakataon gagamit nang makabagong electronic scoring device sa weightlifting para makasabay sa iibang mga bansa gumamit nang state-of-the-art scoring equipment binili niya sa halagang $,1000 dollars sa Japan kung saan pinamunuan niya ang delegation sa Asian Juniors Weightlifting nakaraan taon bilang vice president ng Weightlifting Association of the Philippines.

Nanalo sina Kristel Macrohon, Dessa de los Santos, Rosegie Ramos at John Paolo Rivera nang medalya.

Ayon kay Atilano ang main thrust ng PRISAA ay individual para makatuklas maraming magagaling na atleta katawanin ang Pinas sa international competitions.

“We focus on individual participation precisely to discover many young potential athletes,” wika ni Atilano may-ari ng Zambaonga Institute of Aviation and Technology kasapi sa PRISAA.

Sinabi ni bagong PRISAA president at dating Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fr. Vicente Uy handing-handa na ang kanyang lalawigan i-host ang naturang torneo huling nilaro nakaraan 2017 sa Zambales sa tema “Building Nation Through Sports”.

“The venue undergone massive renovation and improvement to ensure the competition we are holding for the first time becomes success,” sabi ni Uy pinalitan si Fr. Daniel Presto.

Kasama sa mga sport lalaruin ay basketball, boxing, chess, lawn tennis, table tennis, wrestling, baseball, sepak takraw, softball, archery, at volleyball.