Ni Alexandria Dennise San Juan

Malaking ginhawa sa publiko ang pagpasok sa ride-sharing industry ng tatlo pang transport network company (TNC) ngayong taon.

Kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada na hinihintay na lamang nilang makumpleto ang requirements ng tatlong TNC upang tuluyan nang mabigyan ng akreditasyon ng ahensya.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

“The soonest possible time, because we want competition here. We will work hard na by the end of second quarter nandyan na sila,” ani Lizada.

Tinukoy ni Lizada ang tatlong kumpanyang Lag Go, Owto, at Hype, at makikipagpulong din ang LTFRB sa pang-apat na TNC—ang Picar tech company.