Ni NORA CALDERON

MADALAS bigyan ng comedy roles si Kevin Santos sa projects niya sa GMA-7 at maging sa mga pelikula. Bukod sa pagiging artista, mahilig ding magbisikleta, go-kart racer, superbike racer, at motorcycle racer din siya. Pero hindi lang pala pakikipagkarera ang hilig niya kundi pati pagiging piloto.

Kevin Santos - private pilot

Tatahi-tahimik si Kevin, pero ngayon ay certified pilot na siya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matagal na pala niyang goal ang maging piloto kaya kahit nagti-taping ng mga show, itinuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Super Ma’am na pinagbidahan ni Marian Rivera ang huling ginawa niya sa GMA-7. Nai-share niya ang pinagdaanang hirap sa kanyang Instagram wall:

“Pinakamabigat na nangyari sa akin sa buong isa’t kalahating buwan ko nag-aaral, eh, ‘yung sumabay ang exam ng DepEd sa Exam ng Private Pilot na sumabay sa mabigat na 5 subjects ko. Hindi ko alam paano isasaksak lahat sa utak ko ‘yung mga pinag-aaralan ko dahil magkaibang-magkaiba ‘yung dalawang exams. Nagdasal lang ako nang nagdasal at sinamahan ko ng sunog kilay na pag-aaral. Sa awa ng Diyos... tinapos ko at pasado lahat... dito pumasok ang salitang ‘pag may tiyaga may nilaga.’ Nai-share ko lang natuwa lang ako sa sarili ko na hindi ko inaakala na magagawa ko sa gabay ng Diyos. Salamat po!”

Ipinost din ni Kevin ang identification card (ID) issued ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAA), real name niya: Kayvin Acupicup Santos. “Has been found to be properly qualified to exercise the privileges appropriate to a Pilot. Issue date: 05 March 2018.” Dagdag pa ni Kevin: “Now I can call myself a pilot. #DugoAtPawis.”

Marami ang nag-like sa post ni Kevin, pati na sina Marian Rivera, Ryan Agoncillo, Yasmien Kurdi, Mike Tan, at Andrew Gan.

Congratulations Kevin!