Ni Jun Ramirez

Nahihirapan ang tax fraud investigation ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa diumano’y tagong yaman ni dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista dahil sa bank secrecy law.

“We are not allowed to look into bank deposits, unless the Court of Appeals orders the Anti-Money Laundering Council (AMLAC) to lift the restriction,” sinabi ng isang revenue official.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ng tax expert at dating hepe ng tax fraud division ng BIR, ang abogadong si Frederick Capitan, na malabong pagbigyan ng AMLAC ang kahilingan dahil ang graft and corruption ay hindi kabilang sa mga exemption na ito, kundi ang terorismo at droga.

Binuo ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay ang special team para i-audit si Bautista matapos sabihin ng kanyang misis na si Patricia kay Pangulongg Rodrigo Duterte at sa National Bureau of Investigation na ang kanyang mister ay nagkamal ng hindi idineklarang real estate properties at bank deposits na nagkakahalaga ng halos P1 bilyon.

Sinabi pa ng parehong sources na maaaring buksan ng AMLAC ang peso account ngunit hindi ang foreign currency deposits dahil ang confidentiality nito ay itinuturing na absolute sa ilalim ng batas.