Sugatan ang isang sundalo nang makasagupa ng kanyang grupo ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Digos City nitong Biyernes Santo.

Nakila ang sugatan na si Corporal Geronimo Calonse, Jr., miyembro ng 39th Infantry Battalion (39IB) ng Philippine Army (PA).

Sa pahayag ni Captain Mc Gary Dida, ng civil-military operations (CMO)-1002nd Infantry Brigade, 10th Infantry Division, nagresponde ang mga sundalo batay sa natanggap nilang impormasyon na may namataang rebelde sa lugar na nagbabalak umanong maghasik ng kaguluhan sa mga pribadong kumpanyang kinikikilan ng mga ito.

“While the troops of the 39IB [were] conducting security operation towards Barangay Goma, they [encountered] the armed terrorists. The firefight lasted [for] 30 minutes,” paliwanag ni Dida.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Nilinaw ni Dida na hindi pa rin nila matiyak kung may napaslang o nasugatan sa panig ng mga rebelde nang makita sa pinangyarihan ng sagupaan ang mga bakas ng dugo.

Nangyari ang insidente sa kabila ng naunang pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na magpapatupad sila ng tigil-putukan sa Mahal na Araw. - Martin A. Sadongdong