Ni Mary Ann Santiago

Arestado ang 20 katao matapos mahuling nagsasabong sa Pasig City, nitong Biyernes.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) director, Chief Supt. Reynaldo Biay ang mga suspek na sina Antonio Jimenez, 50; Clier Labrador, 38; Joenel Mangyao, 27; Rocel Jimenez, 20; Romeo Rodero, 64; Danny Boy Libre, 35; John Mar Labrador, 28; Norberto Pada-on, 52; Gregorio Samson, 21; Roberto Francisco, 43; Allan Talania, 54; Jonathan Ricafrente, 35; Wilson Barron, 30; Roberto Sanchez, 31; Rylan Benitez, 21; Jear Erosido, 21; Rodelio Gebe, 52; Jonarsky Hadviento, 32; Joseph Libre, 23; at Aldrin Labrador, 31.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ulat ni Pasig Police chief, Senior Supt. Orlando Yebra, Jr., nadakip ang mga suspek sa pinag-isang anti-illegal gambling operation ng Station Investigation Branch, Follow-up Unit at Police Community Precinct (PCP) 3 sa Villa Munsod 11, sa Barangay San Joaquin ng nasabing lungsod, bandang 11:30 ng umaga.

Unang nakatanggap ng tip ang awtoridad kaugnay ng ilegal na tupada sa lugar kaya nagkasa ng operasyon at inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang panabong na manok at P3,540 na pusta sa sugal.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal cockfighting.