Ni Ariel Fernandez

Sinampahan ng qualified theft sa Pasay City Prosecutor’s Office ang dalawang miyembro ng Office of Transportation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, na nagnakaw umano sa pera ng isang Japanese.

 TIRADOR NG DOLYAR Makikita sa larawang ito ang dalawang airport security na sina Demie Timtim y Plaza, 28, (kaliwa); at Stephen Bartolo y Cabual, 24, (kanan) na kapwa kinasuhan ng qualified theft matapos tangayin ang pera ng isang Japanese sa NAIA-Terminal 3 sa Pasay City.


TIRADOR NG DOLYAR Makikita sa larawang ito ang dalawang airport security na sina Demie Timtim y Plaza, 28, (kaliwa); at Stephen Bartolo y Cabual, 24, (kanan) na kapwa kinasuhan ng qualified theft matapos tangayin ang pera ng isang Japanese sa NAIA-Terminal 3 sa Pasay City.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, agad kinumpiska ang access passes at sinibak sa trabaho ang mga suspek.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa reklamo ng pasaherong si Yuya Sakata, 25, ng Fukuoka, Japan, dumating siya sa airport, sakay sa Cebu Pacific flight 5J40 mula sa Sydney sa Australia bandang 12:45 ng hapon nitong Miyerkules Santo, at may connecting flight patungong Cebu bandang 9:35 ng gabi ng nasabing araw.

Matapos ang airport formalities, naghanap ang Japanese ng smoking area at nagpasyang pumasok sa arrival entrance sa Gate 2, dakong 7:00 ng gabi, at nagtungo sa departure area para sa kanyang flight papuntang Cebu. Inilagay umano ng dayuhan ang kanyang wallet, na naglalaman ng 2,700 Australian dollars, sa loob ng kanyang bag.

Ayon kay Sakata, pumasok siya sa arrival area at ibinaba ang bag sa X-ray machine at pagkatapos ay dumiretso sa departure area upang magcheck-in.

Sa counter, nadiskubre ng dayuhan na nawawala ang kanyang 1,700 Australian dollars sa wallet at ang natira na lamang ay 1,000 dollar.

Agad ini-report ni Sakata kay Brady Saygo, guwardiya ng Lanting Security Agency, ang insidente at sinamahan siya nito sa Airport Police Department para sa kaukulang ayuda.

Positibong kinilala ni Sakata sina Stephen Bartolo, OTS na nakatalaga sa arrival entrance sa Gate 2; at ang X-ray operator na si Renzie Abalos Banaban.

Bukod dito, sa pagsilip sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, natuklasang isa sa dalawang OTS ang kumuha ng pera sa wallet ni Sakata.

Inimbitahan si Bartolo sa APD office para sa imbestigasyon. Sa inisyal na interogasyon, inamin umano ni Bartolo na kinuha nito ang pera sa wallet ni Sakata.

Kinuha ni Bartolo sa kanyang bulsa ang dalawang pirasong 50 Australian dollar at isinuko habang ang iba, aniya, ay ibinigay niya sa kasamahan na kinilalang si Demie James Timtim y Plaza, isang intelligence aide ng OTS.

Nabawi naman ng awtoridad ang apat na 50 Australian dollar bills mula sa bulsa ng jacket ni Timtim.