Ni Francis T. Wakefield

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi dapat maalarma ang bansa sa pagpapakita ng puwersa ng Beijing sa South China Sea.

Ilan dosenang barko ng China kasama ang isang aircraft carrier ang nagsasanay nitong linggo malapit sa isla ng Hainan sa South China Sea.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“I don’t think we should. We don’t believe the Chinese will act provocatively by bringing their warships much more their aircraft carrier in disputed waters,” sinabi ni Lorenzana kahapon.

Ayon sa kanya, mino-monitor ng Philippine Navy at Air Force ang sitwasyon.

Nauna nito ay iniulat ng Reuters na naglayag ang Liaoning carrier group nitong nakaraang linggo sa Taiwan Strait, ayon sa Taiwanese defense ministry. Sa mga litratong kuha nitong Lunes, nakita ang may 40 barko at submarines na nakapalibot sa carrier Liaoning na ayon sa mga analysts ay hindi pangkaraniwan ang laki.