Nina Chito A. Chavez at Jun Fabon
Ipinakulong ng Quezon City court ang isang convenience store owner at hinatulan ng anim na taon at isang araw na pagkakabilanggo at pinagmumulta ng P20,000 bukod sa pagbabayad ng mahigit P691,000 unremitted contributions na may 3 porsiyentong interest hanggang sa mabayaran nang buo.
Ayon sa Quezon City Regional Trial Court Branch 97, ipinakulong nito si Elvira C. Sembrano dahil sa paglabag sa Republic Act 8282 o ang Social Security Act of 1997.
Sinabi ni Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc ang computation ay base sa unremitted contribution noong Enero 7, 2013.
Base sa desisyon, bigo si Sembrano na makapag-comply sa kanyang bayarin at sa mga liham na ipinadala sa kanya ng SSS.
Sinabi ni Dooc na ang hindi pagdalo ni Dooc sa hearing noong Marso 26, 2016 ay naging daan upang mag-isyu ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya.
Sinabi ni Dooc na binigyan ng pagkakataon si Sembrano na bayaran ang kanyang mga obligasyon ngunit sa halip na gawin ito, mas pinili nitong magtago.
Sisiguruhin ng SSS, ayon kay Dooc, na magbabayad si Sembrano upang masiguro ang kontribusyon ng kanyang mga empleyado.
Sinabi ni Dooc na patuloy ang pagtugis kay Sembrano.
Upang mas mapabilis ang paghuli kay Sembrano, humingi ng tulong si Dooc sa dati niyang mga empleyado.
Umapela rin siya sa publiko na agad ipaalam sa SSS kung saan siya naroroon o magkaloob ng kahit anong impormasyon na makatutulong sa kanyang pag-aresto.