Ni Nitz Miralles

INABANGAN ang launching ng full trailer ng The Cure hindi lang dito kundi pati na ng mga Pinoy na nakatira sa ibang bansa kaya hindi lang sa Pilipinas ito nag-trending kundi worldwide.

JENNYLYN AT TOM copy

Positive ang feedback ng Kapuso viewers sa trailer at maging ang casual viewers ay nagandahan din.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang kanilang tanong, kailan ang airing ng The Cure?

May mga na-disappoint nang malamang sometime in April magsisimula ang airing ng teleserye dahil ito ang ipapalit sa Kambal Karibal. Tatapusin na raw pala ang KK.

Mula sa direction ni Mark Reyes, tampok sa The Cure sina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, LJ Reyes, Mark Herras, Ken Chan, Arra San Agustin at Ms. Jaclyn Jose.

Inihalintulad ng Kapuso viewers ang napanood nilang trailer ng The Cure sa The Walking Dead at Korean hit movie na Train to Busan. Kapag umeere na ang medical science serye, malalaman na kung saan ito mas may hawig, sa The Walking Dead o Train to Busan.

‘Katuwa si Tom Rodriguez na nasa Arizona para sa first death anniversary ng ama. Nakiusap ang actor sa Twitter followers niya na i-upload agad ang trailer para mapanood niya.

Sa Eastern Sunday ang balik ni Tom mula sa U.S. at sa kanyang pagbalik, magre-resume agad ng taping ng The Cure.