SA pagkakatanda natin ay matagal nang may kolorum sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa. Ang mga sasakyang kolorumâmga bus, jeepney, at vanâay walang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Kaya naman nakikipagkumpetensiya sila sa mga rehistradong sasakyan, na masusing iniinspeksiyon at nagbabayad ng rehistro at buwis at kumpleto sa seguro.
Ang hindi pag-iinspeksiyon at hindi pagrerehistro ng sasakyan ay nauuwi sa pagsuway sa tamang maintenance procedures. Ang mga lumang makina ay nagbubuga ng makapal at maitim na usok. Mayroong pudpod na mga gulong. Pundido ang mga ilaw. At nagdudulot ang mga ito ng panganib sa mga pasahero at sa iba pang sasakyan sa kalsada.
Nakadadagdag sila sa pang-araw-araw na trapiko sa napakasikip na nga nating mga kalsada.
Sa aksidente nitong nakaraang linggo sa Sablayan, Occidental Mindoro, sinalpok at nawasak ng isang bus ang rehas na bakod ng isang tulay at bumulusok ito sa 15 talampakang bangin. Labinglimang pasahero ang agad namatay habang apat na iba pa ang nalagutan ng hininga habang isinusugod sa ospital. Sa pagkamatay ng 19, isa ito sa pinakamalalagim na aksidente sa kasaysayan. Nabulgar sa mga imbestigasyon ang mga paglabag sa pagmamantine sa makina, manibela, katawan, at gulong.
Pinili ni Pangulong Duterte ang mas matinding aksiyon. Ipinadidispatsa niya ang lahat ng kolorum o hindi rehistradong pampublikong sasakyan. âWe have gotten used to vans that are unregistered, uninsured, and with unmaintained engines and tires, and we do not do anything about it almost every day,â sabi niya. Ang gobyerno rin, aniya, ang dapat sisihin sa paglipana ng mga kolorum na sasakyan dahil nagbubulag-bulagan ang mga enforcer sa paglabag at natatakot ang mga pulitiko na matalo sa eleksiyon. Napakaraming paglabag sa bansa na pinamimihasa ng mga enforcer dahil sa ibaât ibang dahilanâisang halimbawa ang pagtitirik ng mga bahay sa lupaing hindi pag-aari, ang pagtatapon ng basura sa pampublikong ilog, mga nagtitinda na nagsipaghambalang sa kalsada, ilegal na pagparada sa kalye, at iba pa. Sa ngayon, ang pamahalaan, ang pambansa at lokal, ay kinakailangang magpatupad ng batas sa lahat ng nabanggit na sitwasyon.
Lahat ito ay kinakailangan ng political will. Hindi madali ang pagdispatsa sa lahat ng kolorum na bus, jeep, at van dahil sa magiging resulta nito. Ngunit nagpalabas na ng direktiba si Pangulong Duterte kaya naman matapos ang napakaraming taon, posible na tuluyan nang mawawala ang mga kolorum na sasakyan sa bansa.