Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Pansamantalang ihihinto ng New People’s Army (NPA) ang mga opensiba nito laban sa puwersa ng pamahalaan kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.

Ipinalabas ang nasabing utos “in deference to peaceful observance of the Filipino people’s Holy week tradition.”

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa pahayag na inilabas sa media sa Northeastern Mindanao, sinabi ni Ka Ariel Montero, tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA Regional Operation Command (ROC) ng Northeastern Mindanao na inaatasan ng Bagong Hukbo ng Bayan (BHB)–Northeastern Mindanao Region (NEMR) ang lahat ng field unit nito ng BHB at Milisyang Bayan (MB) sa Caraga Region na pansamantalang itigil ang lahat ng operasyon laban sa pulisya at militar kaugnay ng Mahal na Araw.

“The temporary stoppage of tactical offensive will start on Wednesday (March 28) and will end on Monday (April 1),” saad sa pahayag ni Montero.

Ang tigil-putukan ay iniuugnay din sa selebrasyon ng ika-49 na anibersaryo ng NPA sa Huwebes, Marso 29, ayon sa kilusan.

Gayunman, nananatiling alerto sa depensa ang CPP-NPA laban sa anumang pag-atake.

Kasabay nito, inatasan namang maging alerto ang lahat ng unit ng militar at pulisya sa buong Caraga region, ayon kay Lt. Tere Ingente, tagapagsalita ng Philippine Army sa rehiyon.