Ni Marivic Awitan

SA patuloy na pagiging lider sa Ateneo De Manila University sa kanilang opensa, nakamit ni Lady Eagles setter Deanna Wong ang parangal bilang UAAP Press Corps Player of the Week para sa buong linggo ng Marso 21 -25.

Sa kanyang ginagawa bilang playmaker ng Lady Eagles, nangunguna ngayon ang koponan sa liga sa spiking efficiency (31%), sa kabila ng pang-anim lang sila sa digging (11.2 digs/set) at reception efficiency (25.5%).

Ipinakita ng Cebuana setter ang kanyang abilidad upang tulungan ang Ateneo na maipanalo ang nakaraang dalawang laro matapos magtala ng 50 excellent sets kontra University of the East, na sinundan ng career-high 63 excellent sets kontra sa Adamson University.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Sa simula ng Season 80, may mga nagdududa pa sa kakayahan ni Wong kung makakaya nitong punan ang nabakanteng puwesto ng kanilang dating ace setter na si Jia Morado.

Ngunit, sa halip na mag focus sa posibilidad na mapantayan ang nagagawa ni Morado, pinili ni Wong na bigyang prayoridad ang pangangailangan ng Lady Eagles.

“Actually hindi ko napapansin or I really don’t mind,” anang 19-anyos na playmaker tungkol sa kanyang nakaraang career game.

“Ang nasa head ko lang is how I can chase the ball, how I can set the ball kahit mis-receive. It’s a good thing but it’s better talaga if we win. Kahit anong number ‘yan hindi naman ‘yan magma-matter if we lose.”

“It really all boils down to character and what coach Tai (Bundit) always says; ‘Heartstrong’ talaga ‘yung nakapunta sa isip namin eh,” aniya.

“We trust our teammates lang and we encourage each other back. No matter what happens just play our best and everything else will follow.”

Tinalo ni Wong para sa lingguhang citation sina teammates Kat Tolentino at Jhoana Maraguinot, UST ace spiker Sisi Rondina, La Salle libero Dawn Macandili, at FEU setter Kyle Negrito.