HINDI lang isa bagkus dalawang mabibigat na laban ang tinitignan ni fighting Senator Manny Pacquiao para sa kaniyang ring return ngayong taon.

Ito ang isiniwalat ng fighting senator nang dumalo sa 18th Gabriel ‘Flash’ Elorde Memorial Awards and Banquet of Champions nitong Linggo sa Okada Hotel, Pasay City.

Ayon kay Pacquiao, may nakatakda na siyang pakikipag-usap kay American promoter Bob Arum ukol sa planong laban niya kay Olympic gold medalist at two-division world champion Vasyl Lomachenko ng Ukrain.

Ngunit, bago si Lomachenko ay tiniyak na ni Pacquiao na sa Malaysia ang kaniyang susunod na laban kontra WBA welterweight title holder Lucas Matthysse ng Argentina kung saan ang kaniyang MP Promotions ang hahawak ng nasabing promotion.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Mag-uusap kami ni Bob para sa Lomachenko fight. Itong sa Malaysia, MP promotions ang hahawak pero welcome naman si Bob sa promotion,” ani Pacquiao.

Hindi naman alintana ni Pacquiao ang sinasabing mabigat na hamon na posibleng ibibigay ni Matthysse, ang 35-year-old two-division world champion na may record na 39 panalo, apat na talo, at may 36 panalo via knockout.

“Para hindi masasabi na tune-up fight. Maganda ito kasi yan naman ang gusto ng mga tao. Magandang laban,” dagdag ni Pacquiao.

Tinitignan ng kampo ni Pacquiao ang July fight date sa Malaysia o ilang linggo matapos ang Ramadan.

Huling lumaban si Pacquiao noong July 2017 kung saan naagaw ang kaniyang WBO 147lb crown nang matalo ito via controversial decision kay local hero Jeff Horn na ginanap sa Australia.