MAGING sa Ilocos Norte, dinumog ng running enthusiast ang CM Paradise Run na inorganisa ng ColorManila nitong weekend sa Laoag’s Sand Dunes.

DINUMOG ng running buff ang Color Run sa Ilocos.

DINUMOG ng running buff ang Color Run sa Ilocos.

Ginanap ang event sa pakikipagtulungan ni Ilocos Norte’s 1st District Senior Board Member Ria Fariñas.

“Thrilled that this is finally happening in Ilocos! Mark your calendars and start training with your family & friends for Colormanila’s Paradise Run at the Laoag Sand Dunes!” pahayag ni Farinas, masugid na tagasuporta ng sports sa lalawigan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ikinatuwa naman ni ColorManila VP Justine Cordero ang pagtanggap ng mga Ilokano sa torneo. “This is the first time that we brought ColorManila to Laoag, and we are very happy that this has become successful, we are also thankful to our local government unit partners. We are looking forward to doing more events here in Laoag,” aniya.

Mistulang napaaaga ang pagsasaya sa summer break ng mga lumahok sa CM Paradise Run - Laoag leg sa kakaibang excitement na hatid ng programa.

Matapos ang karera, ang mga kalahok ay masayang nagindakan sa tugtugin na hatid ng mga pamosong DJ habang naliligo sa iba’t ibang kulay ng pulbos sa pamosong CM Color Festival.

Ang sunos na Paradise Run ay gaganapin sa Laguna sa April 8 sa Greenfield. Tampok ang race distances 3K, 5K at 10K sa patakbo.

Nakatakda ring isagawa ng ColorManila ang CM Glitter Run sa Dagupan sa Abril 8 kung saan target na makaipon ng 3,000 kalahok.