Ni NITZ MIRALLES

‘KATUWA ang fans ni Dennis Trillo, ayaw nilang dagdagan ang tattoo ng aktor. Nakita kasi nila ang post ni Dennis na may tattoo sa right arm, may nag-comment ng “don’t spoil your beautiful skin and body.”

DENNIS copy

May dumagdag pa na ang katawan natin ay templo ng Diyos kaya dapat ay iniingatan. Pinakamagandang comment para sa amin ang galing kay Vick Vicente na ang sabi, “Our body is a temple of God, we must have to be sensitive of the word of God. Please, Dennis you have a good heart, huwag mo nang dagdagan ang mga tattoo mo. Marumi tingnan.”

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Pinakalma ni Dennis ang kanyang fans sa pagsasabing, “Fake tattoo po ‘yan for a role” at “relax, it’s fake.”

Sa On The Job 2 ng Realty Entertainment ang role na binanggit ni Dennis. Nagsimula na siyang mag-shooting, kaya puwede nang isulat. Sa presscon pa lang ng The One That Got Away, nalaman na naming tinanggap niya ang offer ng Reality Entertainment para gawin ang part two ng crime thriller movie written and directed by Erik Matti. Hindi puwedeng isulat noon dahil hindi pa siya nagshu-shooting.

“Gustung-gusto ko na sanang ikuwento sa inyo, kaya lang bawal pa. Pero dahil sa pelikulang ito, sinira ko ang rule ko na hindi maglagare sa dalawang projects. Kung may teleserye ako dapat hindi na ako tatanggap ng pelikula at kung may movie ako, hindi na ako tatanggap ng teleserye. Pero, parehong maganda ang The One That Got Away at ang gagawin kong pelikula, kaya maglalagare at magpapakapagod ako,” natatandaan naming sabi ni Dennis nang ma-interview namin.

Propesyonal si Dennis at hindi niya hahayaang masira ang taping ng TOTGA dahil sa shooting ng On The Job 2. Saka, tuwing walang taping ng serye lang siya magsu-shooting.

Maganda ang On The Job 2 yata hindi natanggihan ni Dennis, bukod pa sa first time niyang makakatrabaho si Direk Erik. First time rin niyang makakasama sa pelikula sina Christopher de Leon at John Arcilla, kaya hindi niya pinalagpas?

Ang iba pang nasa cast ay sina Lotlot de Leon, Andrea Brillantes at Isabelle de Leon at tiyak na marami pang iba, malalaman natin sa mga susunod na araw.

Speaking of TOTGA, marami ang naiinggit kay Dennis sa pawang magaganda at seksing leading ladies niyang sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos, na nadagdagan pa ni Solenn Heussaff as George na first love ni Liam (Dennis) at may kissing scene sila ni Dennis.