Mula sa Variety

TUMABO na ng $631 million sa domestic box office ang Black Panther ng Marvel at naging highest-grossing superhero movie sa U.S.

Clip from Black Panther movie

Kumita ang superhero tentpole ni Ryan Coogler ng $17 million domestically sa 3,370 location sa ikaanim na linggo nito sa mga sinehan, kaya tinalo na nito ang domestic total ng The Avengers’ na kumita ng $623 million noong 2012.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kamakailan ay naungusan na rin ng Black Panther ang Star Wars: The Last Jedi’s domestic total na $619 million noong 2017.

Ang Black Panther ang ikalimang highest-grossing movie sa kasaysayan ng U.S. Ang highest-grossing film sa domestic history ay ang Star Wars: The Force Awakens noong 2015, na tumabo ng $936.6 million, pangalawa ang Avatar na kumita ng $760.5 million, Titanic na tumabo ng $659.3 million, at Jurassic World na kumita naman ng $652.2 million.

Mula nang ipalabas noong Pebrero 16, patuloy na nangunguna ang Black Panther kabilang ang paglagpas sa $1 billion mark sa global box office sa loob lamang ng 26 araw. Kumita ito ng $12.9 million sa international box office ngayong linggo, kaya ang total worldwide gross nito ay $1.23 billion na.

Isa pa, na hindi madalas mangyari, nakuha ng pelikula ang top spot sa box office sa loob ng limang linggong magkakasunod. Ang huling pelikula na nakagawa rin nito ay ang Avatar, na tumagal ng pitong linggo noong 2009 at 2010. Una rito, limang linggong magkakasunod ding nanguna ang The Sixth Sense noong 1999.

Pinupuri ang diversity ng Black Panther bilang big-budget superhero tentpole at halos lahat ng cast nito ay African-American o itim. Ang set nito ay ang fictional African nation ng Wakanda, bida sina Chadwick Boseman, kasama sina Angela Bassett, Forest Whitaker, Lupita Nyong’o, Danai Gurira at Michael B. Jordan.