Ni Leandro Alborote

CAMP AQUINO, Tarlac City - Dalawang kampo ng New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa Hilaga at Gitnang Luzon ang nakubkob ng militar nitong Sabado ng umaga.

Sinabi ni Lt. Col. Isagani Nato, information officer ng Northern Luzon Command (Nolcom), na ang unang kuta ay nadiskubre ng 72nd Division Recon Company habang nagsasagawa ng combat operations sa Barangay Bachelor, Natividad, Pangasinan dakong 8:30 ng umaga.

Pinamumugaran umano ito ng 30 miyembro ng kilusan ngunit inabandona nila ito noong nakalipas na araw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakubkob din ng militar ang isa pang kampo ng NPA sa Sitio Lising, Bgy. Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng combat operation ang militar sa iba’t ibang lugar sa Regions 1, 2, at 3 para masubaybayan ang operasyon ng mga rebelde na sinasabing nananakot sa mga sibilyan para maipagpatuloy ang kanilang kilusan.