Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

8:00 n.u. -- La Salle vs UST (M)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

10:00 n.u. -- Adamson vs NU (M)

2:00 n.h. -- UST vs NU (W)

4:00 n.h. -- Ateneo vs Adamson (W)

NAKALUSOT ang defending men’s champion Ateneo de Manila sa matinding hamon na ipinakita ng University of the Philippines, 24-26, 25-15, 25-18, 31-29, kahapon upang pormal na makausd sa Final Four round ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala ng game-high 30 puntos si reigning 4-time MVP Marck Espejo na kinabibilangan ng 25 attack points, 3 blocks at 2 aces upang pamunuang ang Blue Eagles na maitala ang ikalimang sunod nilang Final Four appearance.

“Talagang coming off a loss (against FEU), medyo mabigat,”

pahayag ni coach Oliver Almadro. “Pero what’s important is yung drive ng players, they did choose to win today,”

“Talagang maganda ang inilaro ng UP. We have to practice more consistency and aggressiveness inside the court.”

Pinuri rin ni Almadro ang kanilang beteranong setter na si Ish Polvorosa. “Ish Polvorosa is still a leader for me.

Now, ipinapakita niya na he’s a true leader inside the court.”

Ang panalo ang ika-9 ng Ateneo sa loob ng 11 laro upang manatiling nasa ikalawang puwesto.

Sa unang laro, nauna ng kinopo ng season host Far Eastern University ang ikalawang Final Four berth bago pumasok ang Ateneo pagkaraang walisin ang winless pa ring University of the East, (0-11) 25-19, 25-12, 29-27.

Pinangunahan ni RJ Paler ang nasabing panalo na nag-angat sa kanila sa markang 9-2.

Dahil dito, isang slot na lamang ang nalalabi para makumpleto ang Final Four casts ng men’s division.