NI EDWIN ROLLON

NANANAWAGAN ang pamilya ng isang seafearer sa Department of Labor and Employment (DOLE) bunsod nang kawalan ng malasakit at hustisya ng Kapitan ng MV Brenda na pinagtrabahuan nito sa pangangasiwa ng Oceanlink Maritime Incorporated.

Ayon sa reklamo ni Mrs. Charlene Clavis-Facundo, napilitang gumastos para sa pambili ng gamot ang asawang si Eldefonso Facundo, 48-anyos, nang balewalain ng kanyang Kapitan na si Ronaldo Mercado ang kanyang daing na pananakit ng mga sugat sa paa.

Aniya, naganap ang insidente noong July 2014 nang sumampa ang kanyang asawa para magtrabaho bilang ‘Oiler’ sa M/V Brenda. Sa kabila nang ilang ulit na kahilingan na mapagamot, binalewala umano ito ni Kapitan Mercado na naging dahilan sa paglala nito.

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

“Noong Enero ng 2015, dumaong ang barko nila at tinawagan ako ng Mister ko para itanong sa doctor namin ang mainam na gamot sa kanyang mga sugat, dahil ayaw daw siyang ipagamot ng kanilang Kapitan,” pahayag ni Mrs. Facundo.

‘Binigyan kami ng reseta at napilitan kaming bilhin ang lahat ng gamot sa pagaakala na babayaran ito ng agency.

Inireport din namin yung kalagayan niya sa agency.”

Ngunit, yung pangako ng kapitan ay napako, hanggang magbalik sa biyahe ang kanyang Mister.

‘Umabot ng tatlong buwan na nagtiis ang Mister ko sa sakit ng mga sugat niya sa paa. Pero walang nagawa siya kundi magtrabaho lang,” ayon kay Mrs. Facundo.

Dahil na rin sa alalahanin ng gastusin sa pangangailangan ng apat na anak, napilitan ang Mister ni Mrs. Facundo na magpatuloy hanggang magdesisyon iyong bumaba ng barko April ng 2015.

“Nag-file kami ng reklamo sa agency, para maibalik yung refund sa gastos namin. Malaking halaga yung inabono namin.

Pero hindi rin kami pinansin. After, ilang hearing, naglabas ng Resolution ang agency at pabor sa Kapitan,” ayon kay Mrs. Facundo.

Nagsampa ng apela ang pamilya sa Court of Appeals, ngunit magpahanggang ngayon ay walang resulta.

“Nasa court of appeal na yung sa labor namin kaso natatakot kami kasi kilalang kilala yung Law firm na my hawak sa kaso ng Mister ko,” aniya.

“Sabi nga sa amin ng Kapitan niya, wala naman daw kaming magagawa. Ang lakas ng kaso namin, pero parang dehado kami dahil meron silang malakas na law firm,” pahayag ni Mrs. Facundo.

“Actually,po during the hearing nung agency nung July 2017, ni hindi sumipot yung Kapitan. Ang malupit pag nag follow up kami ng feedback lagi sabi for RESOLUTION pa daw at ang masaklap yung reklamo namin sa kapitan walang feedback.”

Nagtungo na umano ang mag-asawa sa DOLE para maghain ng reklamo, ngunit sinabihan lamang umano sila na hintayin muna ang ‘resolusyon’ sa kaso na isinampa nila laban sa Kapitan at sa agency.

“Tatlong taon nang hindi nakapag-trabaho ang Mister ko dahil dito. May mga anak kami. Sino pa ba ang da[pat naming lapitan para naman mabigyan kami ng hustisya,” pahayag ni Mrs. Facundo.