Ni ERNEST HERNANDEZ

TUNAY na alamat ang pangalan ni Ramon “El Presidente” Fernandez sa Philippine sports – partikular sa basketball – at hindi matatawaran ang kanyang husay upang mapasama sa ‘greatest list’.

KASAMA ni Mon Fernandez ang kapwa Commissioner sa Philippine Sports Commission (PSC) Charles Maxey (kanan) at karate official Josie Veguillas bago ang pagsisimula ng Game 4 sa pagitan ng San Miguel Beer at Ginebra sa PBA Philippine Cup semifinals sa Araneta Coliseum. (MAXI GREEN PHOTO)

KASAMA ni Mon Fernandez ang kapwa Commissioner sa Philippine Sports Commission (PSC) Charles Maxey (kanan) at karate official Josie Veguillas bago ang pagsisimula ng Game 4 sa pagitan ng San Miguel Beer at Ginebra sa PBA Philippine Cup semifinals sa Araneta Coliseum. (MAXI GREEN PHOTO)

Sa huntahan mula sa barberya hanggang sa national television, hindi maikakaila na kabilang si Fernandez sa kasaysayan ng basketball sa bansa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa dami nang pagkakataon na maging miyembro ng National Team si Fernandez, ang 1990 version ng “Dream Team” ang tunay na tumimo sa isipan ng Pinoy basketball fans. Ang 1990 RP Team na sumabak sa Asian Games at pinangasiwaan ng isa ring ‘legend’ na si Robert ‘The Big J’ Jaworski ay tumapos ng silver medal sa likod ng might China.

Kabilang din sa koponan ang mga superstar na sina Avelino “Samboy” Lim, Allan Caidic, Hector Calma, Benjie Paras at Alvin Patrimonio.

Magpahanggang ngayon, ang tagumpay ng ‘Dream Team’ ay hindi pa napapantayan ng Gilas Pilipinas program. Sa kabila nito, kumpiyansa si Fernandez na malaki ang tsansa ng Gilas na mapantayan hindi man malagpasan ang naturang tagumpay.

“Well, my number one reason for that really is basketball has changed completely - it has improved,” sambit ni Fernandez. “Unlike those years, tayo lang ang pinakaloko sa basketball. Other Asian countries were not really into basketball that much.”

Tiwala ang tinaguriang “El Presidente” at tanyag sa ‘elegant shot’ na makakasabay at lalaban ng todo ang Gilas Pilipinas sa international tournament. Mula noon, hanggang ngayon, ang problema ng Philippine Team ay ‘ceiling’, subalit unti-unti na itong napaparam sa pagdating nina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar, gayundin ang sumisikat na si Kai Sotto na pawang may taas na 6-foot-9.

“They have grown really. That is good. That was our main problem before,” pahayag ng 6-foot-4 forward.

“We were in the national team in the World Basketball Championship in Puerto Rico. Kami ni Mariano sentro - 6-foot-4”. Yung ginagwardya namin 6-foot-10, 7-foot-1, 7-foot-2. How do you beat these guys? That was really our problem. It is a good thing now, marami nang mga batang naglalakihan at nagtatangkaran.