Ni Betheena Kae Unite

Sarado sa trapiko ang ilang bahagi ng anim na pangunahing kalsada sa Quezon City at Taguig dahil sa isasagawang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Inihayag ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro na kabilang sa isasagawa ang reblocking at road repairs simula nitong Biyernes ng gabi hanggang sa Lunes ng madaling araw.

Apektado ng road projects sa Quezon City ang northbound ng Quirino Highway mula sa Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane; Congressional Avenue, mula sa San Beda Road hanggang Visayas Avenue, first lane; EDSA sa harapan ng Shell Gas Station hanggang Oliveros Street, fourth lane; at A. Bonifacio Avenue, mula sa Del Monte Street patungong Mauban Street, outer lane.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kukumpunihin din ang southbound ng A. Bonifacio Avenue patawid ng Sgt. Rivera, inner lane; at Visayas Avenue, harapan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), outer lane.

Bukod pa rito ang pagawain sa southbound ng C5-Road sa Taguig City mula K00015+000 hanggang K0014+(370), na isasailalim din sa road repair works.