Ni Marivic Awitan

PUNTIRYA ng reigning UAAP juniors champion Ateneo Blue Eaglets na maging pangunahing high school team sa bansa sa kanilang pagsabak kontra 31 pang mga koponan sa 2018 National Basketball Training Center (NBTC) National Finals na gaganapin sa Marso 18 - 23 sa Mall of Asia Arena.

Kampeon ng katatapos na UAAP Season 80, ang Blue Eaglets ang top overall seed sa torneo kasunod ang NCAA Season 93 champion La Salle Greenhills, FCAAF champion Chiang Kai Shek at CESAFI king University of the Visayas.

Kabilang sa magbibigay sa kanila ng hamon ang mga koponang mula sa Australia, Canada, New Zealand, at Estados Unidos na binubuo ng mga manlalarong galing sa Filipino communities.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ngayong taon, ang NBTC National Finals ay isinunod sa US NCAA March Madness kung saan ang international at wild card teams ay makakasagupa ng mga koponan buhat ng Bataan, Bacolod, Ormoc, Dumaguete, Pagadian, Dagupan, at San Fernando sa seeding round sa Marso 18.

“This bracketing… gives a lot of excitement, anticipation, and it gives a big chance for the small schools,” pahayag ni NBTC founder Eric Altamirano kahapon sa press conference na idinaos sa MOA Arena. “Last year, ang nag-champion sa Division 2 is a small school from Cagayan de Oro.”

“It was a Cinderella story, if I may say so, kasi tinalo nila ang mga big teams from Manila. I hope that can happen again this year,” aniya.