Ni Marivic Awitan

NAGPAKITA ng championship poise ang reigning titlist Adamson University upang magapi ang University of Santo Tomas, 8-5,at maitabla ang UAAP Season 80 softball championship series kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Isang RBI single ni Leslie Benabaye ang nagpasiklab sa limang run na itinala ng Lady Falcons sat sixth inning upang basagin ang 3-3 pagkakatabla ng laban sa kabila ng pagkakaroon na ng dalawang outs.

“Sinabi ko sa kanila na kapag umiskor tayo sa sixth inning, panalo tayo. Naging inspiration nila yung sinabi ko sa kanila,” ani Adamson coach Ana Santiago matapos nilang makapuwersa ng winner-take-all Game 3.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa panalo, patuloy na nabuhay ang pag-asa ng Adamson na makamit ang kanilang ikawalong dikit na kampeonato makaraang makapuwersa ng Game 3 sa Martes ganap na 9:00 ng umaga.

“Nag-step-up silang lahat,” ayon pa kay Santiago.

Nauna pang lumamang ang Tigresses, 3-0, matapos ang hinataw ni CJ Roa na grandslam homer bago humabol ang Lady Falcons at itinabla ang laban sa 3-3 mula sa homerun ni Flor Pabiania na third innings.

Solido pa rin ang laro ni UST pitcher Ann Antolihao na kinikilala ni Santiago bilang No. 1 pitcher, sa bansa sa kasalukuyan matapos magtala ng anim na strikeouts, ngunit hindi nito napigil ang mainit na hitting ng Lady Falcons’ partikular sa fifth inning.