Mula sa Mashable

BINATIKOS ang Snapchat nitong nakaraang linggo nang lumabas ang isang ad sa app, na nagtatanong kung gusto o hindi ng users na “slap Rihanna” o “punch Chris Brown,” na ang tinutukoy ay nang gabing saktan ni Chris Brown si Rihanna noong 2009.

Rihanna copy

Dahil sa backlash, inalis ng Snapchat ang ad sa platform at humingi ng paumanhin kay Rihanna, at nagpaliwanag na na-review ito ngunit maling inaprubahan – ngunit kahit na humingi pa paumanhin, hindi ibig nangangahulugan na agad itong tatanggapin. 

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Nitong Huwebes naglabas si Rihanna sa story ng kanyang Instagram upang ibahagi ang kanyang saloobin tungkol sa insidente.

“Now SNAPCHAT,” panimula niya, “I know you already know you ain’t my fav app out there! But I’m just trying to figure out what the point was with this mess!”

“I’d love to call it ignorance, but I know you ain’t that dumb! You spent money to animate something that would intentionally bring shame to (domestic violence) victims and made a joke of it!!!,” sulat niya.

“This isn’t about my personal feelings, cus I don’t have much of them...but all the women, children and men that have been victims of DV in the past and especially the ones who haven’t made it out yet...you let us down!,” pagtutuloy niya. 

“Shame on you,” saad ni Rihanna. “Throw the whole app-oligy away.”

Dahil sa kanyang mga komento, naengganyo ang ilang tagahanga na huwag nang gamitin ang app.