Ni Light A. Nolasco

FORT MAGSAYSAY, Palayan City, Nueva Ecija – Limang rebelde na kumikilos sa Arayat, Pampanga ang sumuko sa lokal na pamahalaan ng Sta. Ana, Pampanga nitong Marso 8.

Hindi muna binanggit ni 1st Lt. Catherin Hapin, ng Public Affairs Office, 7th Infantry Division ng Philippine Army (PA), ang pagkakakilanlan ng limang rebelde na boluntaryong sumuko kay Arayat Mayor Norberto Gamboa, sa tulong na rin ng 48th Infantry Battalion (48th IB) at ng pulisya sa Pampanga.

Ayon kay Hapin, isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas, katulad ng improvised shotgun, isang .9mm caliber pistol, at tatlong .30 caliber rifle.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tatanggap din ng insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang mga sumuko.

Isasailalim din ang mga ito sa pagsusuri, alinsunod na rin sa programang Comprehensive Local Integration Program (CLIP), na layuning magbigay ng tulong pinansyal at hanapbuhay tungo sa mapayapang pamumuhay ng mga rebelde.