Ni Reggee Bonoan

PALAISIPAN sa maraming showbiz observers kung bakit nagbitiw na si Aiza Seguera bilang pinuno ng National Youth Commission.

AIZA SA NYC copy

Nabasa namin ang tweet ng TV Patrol showbiz correspondent na si Mario Dumaual habang nagde-deadline kami kahapon na, “Aiza Seguerra announced 2day his resignation as NYC chief effective April 5. ‘I thank Pres Duterte for his full support n understanding of my decision,” said Aiza who cited personal reasons in his meeting with Duterte Mar5. Aiza will resume his music career n support nyc @abscbnnews.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing kahapon na nagsumite nga si Aiza ng resignation letter sa opisina ni President Rodrigo Duterte.

Supporter ni Presidente Duterte si Aiza at ang partner niyang si Liza Diño na pinaniniwalang dahilan kaya nabigyan sila ng puwesto sa gobyerno.

Patuloy ang panunungkulan ni Ms. Liza bilang chairperson sa Film Development Council of the Philippine (FDCP).

May ilang nakakakilala kay Aiza na nagsasabing baka nag-resign ito dahil hindi na nito naaasikaso ang singing career.

“Ang alam ko kasi may mga imbitasyon siyang mag-show sa ibang bansa, eh, paano niya magagawa kung nakaupo pa rin siya? Hindi naman pupuwedeng mawala siya ng matagal. Baka ma-bash siya ng publiko kapag nawala siya, sabihin ginagastos ang pondo ng gobyerno. Saka alam naman ng lahat na first love ni Aiza ang pagkanta. Hindi rin siya makapag-recording na nang tuluy-tuloy kasi marami rin siyang trabaho as NYC chief,” kuwento ng kaibigan ng singer na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Posible ngang ito ang personal na dahilan ni Aiza kaya nagbitiw siya sa puwesto.