WRONG SIGNAL Ang nawasak na eroplano ng US-Bangla Airline na bumulusok sa Kathmandu, Nepal, nitong Marso 12, 2018.                             (REUTERS)

WRONG SIGNAL Ang nawasak na eroplano ng US-Bangla Airline na bumulusok sa Kathmandu, Nepal, nitong Marso 12, 2018. (REUTERS)

KATHMANDU (Reuters) – Nasawi ang 49 katao nitong Lunes nang bumulusok ang isang Bangladeshi airliner sa maulap na panahon habang papalapag sa Nepalese capital, sinabi ng mga opisyal.

Inakusahan ni US-Bangla Airlines chief executive Imran Asif ang air traffic control ng Kathmandu ng pagbibigay ng mga maling senyales na posibleng naging dahilan ng crash.

Ngunit sinabi ni Tribhuvan International Airport general manager Raj Kumar Chettri na binalewala ng piloto ang kanilang mensahe at pumasok mula sa maling direksiyon. Tumama ang eroplano sa bakod ng paliparan, lumagapak sa lupa at nagliyab.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sakay ng eroplano ang 71 katao mula sa Dhaka – 33 Nepali, 32 mula sa Bangladesh, isang mula sa China at isang mula sa Maldives.

“So far 49 people are dead and 22 are undergoing treatment at different hospitals,” sinabi ni Sanjiv Gautam, executive director ng Civil Aviation Authority of Nepal (CAAN), sa mga mamamahayag.