Ni Orly L. Barcala

Habang isinusulat ang balitang ito, nag-aagaw buhay ang isang Grade 6 student matapos saksakin ng kanyang kamag-aral sa loob ng kanilang eskuwelahan sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nakaratay sa ospital sa nasabing lungsod ang biktimang si Ramon, 13, na nagtamo ng saksak sa leeg.

Nasa holding area naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang suspek, 13.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa ulat nina PO2 Mery Ann Ayco at SPO1 Richell Sinel, ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD), naganap ang pananaksak sa compound ng Gen. T. De Leon Elementary School na matatagpuan sa Gen. T. De Leon Road sa Valenzuela City, dakong 5:30 ng umaga.

“Nagpo-formation na ‘yung lahat ng mga estudyante para sa pagpapasok sa kani-knilang section nang mangyari ang saksakan,” ani SPO1 Sinel.

“Bigla na lang daw nilusob ng suspek si Ramon at sinaksak sa leeg, na nagdulot ng matinding takot sa ibang mag-aaral,” patuloy ni SPO1 Sinel.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakaaway umano ng suspek ang kaklase ng biktima at sinabi pa ng una na matapang lang ang huli dahil magkakampi ang mga ito.