Ni REGGEE BONOAN

HABANG ginaganap ang launching ng 2018 Star Magic Circle ay may source kami sa ABS-CBN na nagbulong sa amin na si Tony Labrusca ang makakatambal ni Liza Soberano sa pelikulang Darna na idinidirek ni Erik Matti.

Tony Labrusca copy

Agad kaming nagtanong kung bakit hindi si Enrique Gil na ka-love team ni Liza.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“Hindi naman kasi love team ang ibinebenta sa Darna, solong movie ito ni Liza, so kung isasama si Quen, maliit lang ang role niya. Sayang ang love team, saka may Bagani siya (Enrique),” katwiran ng source.

At dahil mas malaking artista naman talaga si Enrique kumpara kay Tony, sa ngayon, okay lang na maliit lang ang karakter ng huli sa Darna?

“Aminin natin, sa La Luna Sangre pa lang nabigyan ng malaking role si Tony at Jake and support siya roon. Of course, napansin siya sa Boyband na sinalihan niya, but still La Luna Sangre made him,” sagot sa amin.

May punto rin naman, kaya nga nitong Linggo lang ipinakilala si Tony kasama ang ilang aspiring talents ng Star Magic.

Nang tanungin si Tony tungkol sa pagtambal niya kay Liza sa Darna, “Wala pa pong confirmed at all. For me, anything can be changed. Until you sign that contract, you’ll never know. I can’t claim to be part of a movie if I haven’t signed anything,” sagot ng baguhang aktor.

At kung sakaling siya na nga, tiyak na makakatanggap siya ng masasakit na salita mula sa ilang possessive na LizQuen fans.

“After I survived KathNiel bashing, I think I’ll survive (LizQuen) bashing,” katwiran ulit ng binata.

Oo nga naman, grabe ang natanggap na lait ni Tony mula sa ilang KathNiel supporters nang siya ang maging ka-love triangle ng dalawa sa La Luna Sangre.

Samantala, naitanong sa Star Circle Batch 2018 kung ano ang natutuhan nila sa mga magulang nila na karamihan ay kilala sa showbiz.

“For me kasi iba ‘yung biological father ko po (si Boom Labrusca), hindi po siya sumikat dito sa ‘Pinas, and it’s weird because I wasn’t raised with him,” sagot ni Tony. “So, when I moved back to the Philippines at sumali ako sa Pinoy Boyband ‘tapos biglang nandoon na si Boom, for me I just took it as blessing as well kasi si Boom, he’s been in the industry for so long and if there’s a lot of things I can learn from it, instead of me na kinukumpara ko ang sarili ko sa kanya, I’ve never even thought of maybe ‘oh, I have to surpass my father’ kasi this is my lane! All I have to do is to stay on my lane.

“God has the destiny for me, so I just had to make sure that I’m not hurting anybody around me and stay in my lane and there’s nothing wrong with him helping me out because he’s also there to support me kaya instead of thinking of competition or people compare me to my biological father, why just I’ll be grateful and see what he has to say and taken blessings he has to give me.”

May sama ba siya ng loob sa tatay niya na first name basis ang tawag niya?

“Wala po, actually may kapatid po ako with my biological father at sobrang mahal ko po siya at siya ‘yung naging bridge para sa aming dalawa and you know, growing up with my mother, hindi po siya nagkulang ng pagbibigay ng pagmamahal sa akin.

“So, I never really look for my biological father. So, seeing him now why will I feel need to be angry with him,” pahayag ng binata.

Hindi na rin daw hinanap ni Tony si Boom dahil, “My stepfather and my mother gave me enough love and care. In Filipino culture, even if it’s not our biological parents, we treat them as our family and you know, family it doesn’t always mean blood, family is trust and love and that’s enough connection with somebody,” magandang paliwanag ng aktor na hinangaan ng mga nakikinig.

May mga pelikulang gagawin si Tony sa Star Cinema at may indie movie rin para sa Cinemalaya 2018 kasama si Eddie Garcia.