Ni Mary Ann Santiago

Magbibisikleta mula Maynila hanggang Mindanao ang biking priest na si Father Amado Picardal para sa panawagang matigil na ang mga patayan sa bansa, matuloy ang usapang pangkapayapaan at matapos na ang batas militar sa Mindanao.

Magsisimula ang ‘Bike for Peace’ ng 64-anyos na si Fr. Picardal bukas, Marso 14. Sa loob ng 15 araw ay lilibutin niya ang Maynila hanggang sa Mindanao, na may layong 1,500 kilometro, at magdiriwang ng misa sa bawat simbahan na kanyang tutuluyan.

“I’ll be preaching about message of life and peace,” ani Picardal, Redemptorist priest na tubong Iligan City at executive director ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Committee on Basic Ecclesial Community (CBCP-ECBEC).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Magkakaroon ng send- off mass para kay Picardal ganap na 8:00 ng umaga sa Baclaran Church.

Hinikayat niya ang publiko na makiisa sa kanyang hangarin at sumabay sa kanyang Bike for Peace. Ilang pari ang inaasahang makikisabay sa pagbibisikleta ni Picardal, kasama na ang ‘running priest’ na si Fr. Robert Reyes.

Taong 2008 simulan ni Picardal ang kanyang biking mission, at nasundan ito noong 2014. Isa sa mga adbokasiya niya ang imulat ang kamalayan ng tao sa mga epekto ng climate change.