Ni Leonel M. Abasola

Isinulong si Senador Panfilo Lacson ang pagpapalakas sa defense system ng bansa laban sa terorismo sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill No. 1734.

“This bill is envisioned to update national defense policies, principles and concepts, to institutionalize needed improvements and to codify various laws on national defense, the AFP and the civilian bureaus, with the end in view of streamlining and further professionalizing our country’s defense establishment,” paliwanag ni Lacson sa panukala.

Ilan sa mahahalagang sangkap nito ang pagsasaayos sa procurement system ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang sangay ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagtatanggol sa bansa laban sa terorismo at karahasan.

Tsika at Intriga

Darryl Yap, may buwelta sa mga nagsasabing sinayang si ex-VP Leni

Ipinagbabawal nito ang pagbebenta sa mahahalagang lupain na pag-aari ng pamahalaan, maliban kung ito aprubado ng Pangulo, kalihim ng DND at may basbas ng Kongreso.

Hindi na rin kailangang sumailalim sa Government Procurement Law ang maseselang kagamitan at Strukturang pandepensa ng bansa.