Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. – SMB vs Ginebra

MAGKAPATID sa papel, ngunit magkaribal sa titulo.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sisimulan ng sister team San Miguel Beer at crowd-favorite Barangay Ginebra ang salpukan para sa karapatan na sumabak sa PBA Philippine Cup Finals.

Magsisimula ang Game One ng kanilang best-of-seven semifinal series ngayon ganap na 7:00 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Simula na ng mga matitinding bakbakan sa pagbubukas ngayong gabi ng unang pares ng best-of-7 series tampok ang reigning champion San Miguel Beer at crowd favorite Barangay Ginebra sa 2018 PBA Philippine Cup semifinals sa Araneta Coliseum.

Top seed ang Beermen at No.4 Kings nang magwagi sa magkahiwalay na quarterfinal duel kontra TNT Katropa at Rain or Shine Elasto Painters, ayon sa pagkakasunod.

Aminado si Ginebra coach Tim Cone na liyamado ang Beermen na itinututrin niyang ‘Monster’, sa pangunguna nin reigning four-time MVP June Mar Fajardo.

Dalangin niya na mapahaba nila ang serye upang makabalik ang nagpapagaling si Greg Slaughter na maipantatapat nila sa tinaguriang ‘The Kraken’.

“Now we face the monster. That’s San Miguel. You can refer that to San Miguel or you can refer that to Junemar ,” pahayag ani Cone.

“Our big question mark obviously is whether Greg is gonna play.”

“I would say, if we’re gonna play a day after tomorrow, he won’t play. But if given another day or two, he may play. But we do expect him back some time in the series,” aniya.

“We just hope we don’t fall too far behind without him, whether he can make an impact. That’s the big thing for us, whether Greg can play. That would really help us equalize San Miguel,” sambit ni Cone. (Marivic Awitan)