Ni Variety

NAGBUBUO na si Cynthia Nixon ng staff para sa posibleng pagtakbo niya para gobernador ng New York, ayon sa ulat ng NY1 nitong Martes.

Cynthia copy

Malaking papel sa pagkandidato ni Nixon ang gagampanan nina Rebecca Katz at Bill Hyers, na tumulong sa unang kampanya ni Bill de Blasio para sa pagkaalkalde sa New York. Hindi agad nakasagot sina Katz at Hyers nang hingan ng komento.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kamakailan ay lumiham ang Sex in the City star na si Nixon sa op ed ng CNN.com at isinaad na, “each one of us has to do whatever we can to take the government back,” kabilang ang “taking the leap to run for office ourselves.”

“Everyday people running means more people of color, more women, more queer people, more first-generation Americans, more allies — more of the people whose voices have been missing for far too long,” saad niya sa liham. “We may not have million dollar super PACs behind us, but we’ll have something more important — a shared mission uniting millions of people across this nation.”

Lumabas sa Today ng NBC noong nakaraang taon, sinabi niyang hinihikayat siyang tumakbo. Naghayag siya ng kritisismo sa record ni Gov. Andrew Cuomo, isang Democrat, na siyang makakatunggali niya sa Setyembre, kung papasok na nga siya sa pulitika.

Inihayag ng tagapagsalita ni Nixon na pinag-iisipan pa niya ang ideya.

“Many concerned New Yorkers have been encouraging Cynthia to run for office, and as she has said previously, she will continue to explore it. If and when such a decision is made, Cynthia will be sure to make her plans public,” lahad ng tagapagsalita.