DIREK LESTER AT LIZA copy

Ni Reggee Bonoan

PAGKATAPOS magbunyi ng KathNiel supporters sa successful na La Luna Sangre, heto at hindi na makapaghintay ang LizQuen fans sa pag-ere ng Bagani sa Lunes, Marso 5 pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Halos iisa ang komento ng mga nakapanood ng teasers ng Bagani, “Pelikula ba ito? Ang galing, ha!”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kapansin-pansin ang pagiging epic ng serye nina Enrique Gil at Liza Soberano kasama sina Sofia Andres, Matteo Guidicelli at Makisig Morales. Nakita rin namin ang pangalan nina Rayver Cruz, Maricar Reyes-Poon, Christian Vasquez, Enzo Pineda, Zaijian Jaranilla, Dimples Romana at maraming iba pa mula sa direksiyon nina Richard Arellano at Lester Pimentel under Star Creatives.

Kilala na namin si Direk Richard na ilang serye na ang nagawa sa ABS-CBN tulad ng Nasaan Ka Elisa, A Love To Last, Ipaglaban Mo, Bridges of Love, Kristine, Little Champ at iba pa.

Pero ngayon lang namin narinig ang pangalan ni Direk Lester na baguhan pa lang sa showbiz. Pero sikat pala siya sa sports world at siya ang nasa likod ng action scenes ng La Luna Sangre, Imortal, Palos, Panday, Pedro Penduko at ng ilang episodes ng Wansapanataym.

Sabi ng taga-ABS-CBN, “Hindi naman basta action lang ang idinidirek ni Lester, siyempre may dance choreography din ‘yan.”

Naging Wushu World Champion si Direk Lester noong 1995; Southeast Asian Games noong 1996 at 2005 kaya intense training ang naranasan nina Enrique at Liza.

Dahil sa magandang record ni Direk Lester sa martial arts ay naging coach siya sa national team at naging parte na ng Wushu training sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

Pero kahit marami nang nagawang programa ay na-challenge pa rin si Direk Lester sa Bagani.

“When the concept was presented to me last 2016, my thoughts at that time was, ‘We don’t have the available talents and actors’ skills set to mount such a huge project.’

“But ABS-CBN and Star Creatives allowed me to start from scratch and train our actors and talents to produce skill sets to make Bagani a reality. It was a long process, two years and counting, but it was super worth it. Sana suportahan nila,” say ni Direk Lester.

Bukod sa pagtuturo at pagdidirek ng martial arts at wushu ay restaurateur din si Direk Lester at kasosyo niya si Richard Yap.

Pag-aari nila ang Wangfu chain of restaurants na kabubukas lang sa Ayala Cloverleaf, Vertis North at Ayala 30th.

“While there is an emerging passion for directing action materials, food is still one of my first loves,” sabi ni Direk. “With the expansion of Wangfu, I, together with Richard and our partners are looking forward to opening more branches in the coming months and years.”

In fairness, ilang beses na kami nakakain sa Wangfu restaurants at gustung-gusto namin ang dimsum dishes nila kaya sana sa nalalapit na grand launching ng Bagani ay sponsor ito ni direk Lester, he-he-he.