Sa kahalagahang maipaunawa sa mga awtoridad ang kahalagahan ng malasakit sa kalikasan, isinusulong ang thematic program sa peste, basura, at iba pang problemang pangkapaligiran.

Isusulong ng Green Charcoal Philippines Inc. (GCPI) ang nasabing programa at umaasa si Gonzalo Catan Jr. na aani ito ng suporta mula sa publiko.

Ang proyektong pinamagatang “Modern Indigenous Proven Solutions” ay nakasaad sa position paper na iprinisinta sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Ang naturang programa ay tungkol sa pagre-recycle ng water lily na palutang-lutang sa Laguna Lake, at pag-aalis ng putik sa Ilog Pasig.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Maaaring sundan ang naturang pamamaraan ng paglilinis at pagsasabuhay muli ng lawa at ilog, sa pamamagitan ng organic vermincomposting gamit ang green charcoal technology, alinsunod sa Article 1, Section 2 ng Republic Act 9003 at Solid Waste Management Law.

Ayon sa source, nabuo ang programa kasunod ng mga resulta ng pananaliksik hinggil sa mabilis na pagdami ng water lily sa Laguna Lake at putik sa Ilog Pasig.